Tungkol sa laro
BlackDragon ay online Role-Playing na laro para sa mobile internet. Ang napaka-ikling mga pangunahing kaalaman ng laro ay ipinaliwanag sa ibaba.

Kasanayan
Ang iyong character na may apat na mga kasanayan na pwede taasan pagkatapos ng bawat pag-angat ng level.

Kalakasan direkta nagpapataas ng iyong pisikal na pinsala. Bawat puntos ay nagbibigay sa iyo ng 1 karagdagang pinsala.
Kaliksihan ay nagdaragdag ng tyansa upang iyong matamaan ang iyong kalaban at mailagan ang bawat pisikal na atake.
Katatagan ay nagpapataas ng iyong kabuuang buhay at regenerasyon ng buhay kada minuto. Ang isang puntos ay katumbas ng 10 karagdagang buhay.
Karunungan ay nagpapataas ng iyong kabuuang mana at regenerasyon ng mana kada minuto. Ang isang puntos ay katumbas ng 10 karagdagang mana.

Item
Ang iyong karakter ay maaring magsuot ng isang armas, apat na uri ng baluti (helm, shield, body armor, boots), amulet at dalawang singsing. Sa sandaling ito, mayroong higit sa 100 iba't ibang mga item sa laro. May natatanging mga item na maaaring magkaroon ng dagdag na mga katangian, tulad ng, pagtaas ng kasanayan, dagdag na pinsala, baluti, buhay, mana, atbp. Ang paggalugad ng mapa at pagsuot ng pinakamahusay na gamit sa iyong character ang isa sa iyong pangunahing layunin.

Stamina
Stamina ay ang pinaka-mahalagang bagay sa laro. Ang iyong karakter ay awtomatikong nagkakaroon nito. Bawat galaw sa mapa ay gumagamit ng 1 puntos ng stamina. Ang bawat labanan ay nagkakahalaga ng 5 puntos sa stamina. Mangyaring tandaan na paggalaw sa mga bayan ay libre at labanan arena ay hindi din kailangan ng stamina.

Mahika
Ang mga Mahika ay maaring matutunan sa bayan. Upang matuto nang mga ito, kailangan mong pumasa sa kinakailangan na karaniwang karunungan. Ang Karunungan ay nagpapataas ng lakas ng mahira pati na rin mana. Mangyaring tandaan na ang mga barbaro ay walang mahika.

Mga Alaga
Ang mga alaga ang iyong mga kasama na makatulong sa iyo sa laban. Higit pang impormasyon tungkol sa mga Alaga -> Impormasyon.

Laban
Ang labanan ay turn-based at binubuo ng 3 round (o 4 kung gumamit ka ng mga alaga). Ang isa na makagagawa ng maraming pinsala ang panalo. Unang magagamit ay ang mahika at pagkatapos ay armas na ginagamit. Ang pinsala ay nababawasan ng baluti (bilang ng kalahati nito). Ang proteksyon sa mahika ay maaaring makamit mula sa mga espesyal na mga item.

Kamatayan
Muling lilitaw ka sa iyong sariling nayon sa bawat oras na mamatay.

Sana ito ay makatulong! Good luck sa laro at magsaya!
Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon, mangyari lamang bisitahin ang mga forum o chat.